
“Mabait siya… nakakatuwa siya. Actually very funny…masarap siyang ka-work kasi napaka-sexy nya. At alam mo talaga na Wow! Mapapatulala ka kapag nakita mo siya," kwento ng matinee idol nang makapanayam sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
May payo rin kay Marian si Piolo na minsan na rin gumanap sa papel ng isang merman. “She’s graceful enough naman to be a mermaid and exciting yun. I’m a diver my self so I always enjoy being underwater. And I think she’s doing the same thing… maganda nga na ma-explore n’ya ang mga beaches natin.
Nais din daw ni Piolo na makasama si “Dyesebel" sa pagsisid sa ilalim ng dagat. “Sana one time we can have chance to dive together mas maganda siguro…that will be a different experience."
Hindi na rin imposible na magkasama sa isang pelikula sina Marian at Piolo dahil nasa planning stage na ito na ipo-produce ng Regal Films.
“Walang imposible. Napakaliit lang ng industriya and this will open a new door for me and Marian. So kapag dumating ang time na ‘yon that will be nice.. that will be exciting," ayon kay Piolo.
Ano naman kaya ang masasabi ni Marian sa mga papuri sa kanya ni Piolo?
“Nung magkatrabaho kami sa pictorial napakamaasikaso nya. At makikita ko rin sa mga mata nya na napakabait niyang tao," tugon ng seksing aktres.