Excited na si Dennis Trillo at sinimulang magpalaki ng katawan para sa bagong telefantasya ng GMA Network, ang “Gagambino" kung saan siya ang magiging bida.
Sinabi ni Dennis sa panayam ng Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, na magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman nya sa bagong proyekto.
“Magkahalong kaba, nerbyos, excitement, overwhelm, lahat-lahat na nun. Una hindi ko na-absorb hindi ko alam na sa akin ibibigay (ang project)," paglalahad ng aktor.
Bukod sa pagpapalaki ng katawan, matinding pagsasanay ng martial arts na “capoeira" ang ginagawa ni Dennis. Dahil sa graceful movement sa “capoeira" ay bagay na bagay daw itong gamitin sa kanyang karakter sa “Gagambino."
“Kasabay na dun ang pampapalaki ng katawan kailangan mong ma-build yun superhero physique. Yun requirement na yun kapag gaganap ka na superhero dapat maganda ang pangangatawan," dagdag pa niya.
Kapag nasimulan na ang “Gagambino," magiging masyadong magiging abala si Dennis dahil mag-aabot ang taping nya sa sinenobela nila ni Katrina Kalili ang “Magdusa Ka."
Pinag-uusapan din ngayon ang mapangahas na love scene nila ni Katrina sa naturang soap.
“Yun ginawa namin iba sya. Kung baga ngayon lang ako nakagawa ng love scene na ganoon kadetalye talaga," kwento ni Dennis.
Papaano kaya nila pinaghandaan ni Katrina ang kanilang love scene?
“Pinaghandaan namin yun ni Katrina. Umaga pa lang nagbo-bonding na kami para pagdating ng eksena kinagabihan kumportable kami sa isa't isa," ayon kay Dennis. - GMANews.TV
Thursday, June 5, 2008
Dennis Trillo's GAGAMBINO
Posted by paw at 9:56 PM
Labels: dennis trillo, gagambino