BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, July 1, 2008

Marian is willing to pose for FHM

In-announce na officially ng mismong editor-in-chief ng FHM Philippines na si Allan Madrilejos ang pagkakaboto kay Marian Rivera bilang Philippines' Finest sa 100 Sexiest Women in The World 2008. Ginawa ni Allan ang announcement sa panayam sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, June 29,

Ayon kay Allan, "Para siya [Marian] na ngayon ang sexiest Filipina sa bansa."

Record-breaking ang pagiging No. 1 ni Marian dahil siya pa lang ang kauna-unahang non-cover girl na naging Philippines' Finest ng FHM.

Binigyang-linaw naman ng editor-in-chief ng FHM na porke't hindi pa nakakapag-pose for cover ang isang artista sa FHM ay hindi na puwedeng i-nominate. Paliwanag ni Allan, "Hindi rin naman kailangang maging active sa lahat ng events ng FHM, e, puntahan mo. Lahat ng gusto nilang [fans i-nominate is welcome. The fact na siguro, si Marian ang nanguna, isang indikasyon siguro na yung [pag-ilanlang] ng kanyang career."

Nagbigay naman ng kanyang pahayag si Marian sa pagkakahirang niya bilang Sexiest Woman.

"Sobrang saya ko!" bulalas ni Marian. "Kasi hindi ko rin ine-expect. Kasi hindi pa ako nagko-cover, ‘tapos naging number one ako. Nakakagulat din at saka doon ko rin lalong nalaman na yung mga fans ko at nagmamahal sa akin, sobrang mahal na mahal ako at wala silang sawa sa pagboto sa akin."

Binanggit din ng Showbiz Central ang total votes na nakuha ni Marian na inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Si Marian ay nakakuha ng kabuuang boto na 316, 135 kumpara sa 123,239 ni Katrina Halili, na siyang pumangalawa.

Kung matatandaan, for two consecutive years ay si Katrina ang nag-top bilang Philippines' Finest ng FHM. Dahil dito, muling naungkat ang dating isyu sa dalawa, pero mabilis naman itong itinanggi ni Katrina nang makapanayam siya ng Showbiz Central.

"Okey lang yun, ganoon talaga ang mga fans. Yun nga ang nakakatuwa sa kanila, di ba? Sinusuportahan nila kami. Pero sana huwag nating gawing dahilan na pag-away-awayin kami. Hindi kami magkakaaway nila Marian. Hindi kami naglalaban do'n. Ano lang yun, boto ng tao. Yun ang gusto ng tao."

Dagdag niya, "At saka nag-number one na rin naman ako. Hindi na rin naman nakaka-sad yung rank ko, number two rin naman ako. Hindi naman siguro puwedeng for life, mag-number one!"

Inamin ni Allan na kahit noong nasa afternoon soaps pa lang ng TAPE Inc. si Marian ay ilang beses na rin silang nag-usap ng manager ng young actress na si Popoy Caritativo kung paano, kailan, at ano ang dapat na isaalang-alang para matuloy ang pagku-cover ni Marian sa FHM. Hanggang ngayon, ongoing pa rin daw ang imbitasyon ng FHM kay Marian na mag-cover kung kailan siya magiging ready.

Ito naman ang naging tugon ni Marian sa imbitasyon ng FHM sa kanya: "Basta sa lahat ng bagay, ready ako. Pero yung pagpo-pose nang sobrang sexy, hindi pa namin napag-uusapan ng manager ko. At saka palagi kong sinasabi, may limitation pa rin. Kung maganda yung concept, bakit hindi? Pero may limitation pa rin.

"At saka, yun nga, may mga contracts akong inaalagaan sa mga commercials ko na hindi puwedeng ganito, hindi puwedeng ganoon. So, kailangan ko pa ring alagaan ang image ko as wholesome pa rin tayo."

Nagpasalamat din si Marian sa lahat ng mga bumoto sa kanya.

Aniya, "Kukuhanin ko na po ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat ng bumoto sa akin. Utang na loob ko po ito sa inyo at para sa akin, kayo po talaga ang tunay na number one. Salamat po sa pagboto n'yo. At kung hindi po dahil sa inyo, wala po ako sa posisyong ito kaya maraming-maraming salamat po. At sana po, huwag po kayong magsawa sa akin. Para sa inyo po ang lahat ng ginagawa ko." -PEP